Umbrella rock sa bayan ng Agno, dinaragsa na

Nagdaragdag ngayon ang lokal na pamahalaan ng Agno ng cottages sa umbrella rock na matatagpuan sa barangay Sabangan.

Ayon kay Engr. Eddie Navarrete, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer dinaragsa na ngayon ang umbrella rock, pangunahing pook pasyalan sa kanilang bayan.

Inaasahan na full-packed ang lahat ng cottages duon pagsapit ng Disyembre hanggang sa summer.

Sinabi ni Navarrete na maraming nahahalina sa lugar dahil sa mga natural rock formation na higit dalawampung talampakan ang taas, bukod pa sa preskong hangin at kagadahan ng dagat.

Abot kaya ang pamamasyal sa umbrella rock ng agno dahil sampung piso lamang ang entrance fee, at kung overnight naman ay 500 pisos lamang ang babayaran sa cottages.

Tumutulong ang Department of Tourism (DOT) sa pagpapaganda at pagpapa-unlad sa lugar at naglaan pa ito ng 2.8 million pisos para sa nabanggit na layunin.

Speak Your Mind

*