Umento sa sahod, posibleng mauwi lang sa buwis

Mapupunta lamang umano sa pagbabayad ng mas mataas na buwis ang inaasahang dagdag na sahod ng nasa 1.5 milyong opisyal at kawani ng pamahalaan.

Ito ang naging babala ni Senador Sonny Angara sa gitna ng napipintong pagpasa ng Salary Standardization Law IV.

Ayon kay Angara, pabor siya sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ng gobyerno lalo pa’t isa siya sa author ng nasabing panukalang batas noong 2009.

Pero malaking tanong aniya kung saan mapupunta ang dagdag na sahod dahil hindi naman nagkakaroon ng reporma sa buwis.

Naniniwala si Angara na kaakibat ng pagtaas ng sahod ay dapat magkaroon rin ng tax reform upang maramdaman ng mga mamamayan ang epekto nito.

Speak Your Mind

*