Utak sa madugong pag-atake sa Paris, hindi pa rin matukoy

Hindi pa rin matukoy ng mga opisyal sa Paris ang kalagayan ng umano’y utak ng naging madugong pag-atake roon nitong nakaraang linggo matapos ang naging raid ng mga pulis.

Ayon kay Paris Prosecutor Francois /Franswa/ Molins, si Abdelhamid Abaaoud ay hindi kabilang sa walong naaresto sa nangyaring apartment raid sa saint denis, paris.

Gayunman, sinabi ni Molins na ang bangkay na natagpuan sa mismong apartment na ni-raid ay tutukuyin pa lamang.

Matatandaang isang babae ang pinasabugan ang kanyang sarili habang isang suspek naman ang patay sa pamamaril ng mga pulis.

Speak Your Mind

*