Venus Williams, panalo sa opening match ng WTA Elite Trophy

Sinalubong ng panalo si American Elite Tennis Player Venus Williams sa opening match nito laban sa kapwa amerikanang si Madison Keys sa pagbubukas ng WTA Elite Trophy kagabi.

Sa iskor na 3-6, 7-6, to 6-1- pinahirapan ni Williams si Keys lalo na sa huling set ng kanilang laro.

Muling nagbabalik sa rankings si Williams matapos itong mawala sa listahan ng world rankings sa loob ng apat na sunod-sunod na taon.

Namataan ding kasali sa WTA finals ngayong taon ang ilan sa mga rank players tulad nina Caroline Wozniacki, Jelena Jankovic at US Open Finalist Roberta Vinci.

Iniimbitahan naman ni Williams ang mga fans sa buong mundo na subay subayan ang kanilang mga laro sa WTA finals at gamitin ang kanilang official hashtag na #wtafinals sa social media.

Speak Your Mind

*