Water Interruption, nararanasang sa ilang lugar sa Metro Manila

Inaasahang makakaranas ng lima hanggang walong oras na water service interruption simula mamayang gabi ang ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng Manila Water Corp., ipapatupad ang service interruption mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw, dahil sa gagawing maintenance works.

Kabilang sa mga maapektuhang lugar ay ang East Zone ng Metro Manila, kasama ang Quezon City, Taguig at Mandaluyong.

Pinapayuhan naman ng Manila Water ang kanilang mga consumers na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa kaukulang detalye hinggil sa ipapatupad ng service interruption.

Speak Your Mind

*