Worst losing streak, naitala ng philadelphia 76ers sa NBA history

Nakuha ng Philadelphia 76ers ang worst losing streak sa NBA History matapos gibain ng Boston Celtics sa score na 84-80.

Bagama’t lumamang sa mga huling minuto ng laban ang Philadelphia ay nakahabol naman ang Celtics.

Nagpasabog si Jae Crowder ng isang three-pointer may 38 seconds ang nalabi sa laro dahilan upang maisara ang panalo ng Boston.

Dahil dito, wala pa ring panalo ang Sixers sa 16 na laro ngayong season at nalugmok ito sa ika-26 na sunod-sunod na pagkatalo.

Speak Your Mind

*