Zero election violence, hangad ng PPO Nueva Ecija

Zero election violence ang hinahangad ng pamunuan ng Nueva Ecija Provincial Police Office sa darating na 2016 elections.

Ito ang ipinahayag ni Police Provincial Director Manuel Cornel sa sonshine radio.

Ayon kay PD Cornel, kung pagbabasehan ang estatistika, may naitalang labing dalawang election-related violence noong 2007, tatlo noong 2010 at ganoong bilang din noong 2013.

Kaya naman bilang hakbang sa kanilang layuning walang maganap na election related violence sa darating na 2016 elections aktibo na ang Joint Peace and Security Coordinating Council ng kapulisan kaakibat ang Comelec at AFP bago pa man nag-umpisa ag filing ng Certificate of Candidacy o COC noong October 12–16.

Sinabi pa ni Cornel na may ginagawa nang karagdagang hakbang ang kapulisan hinggil dito.

Speak Your Mind

*