4PS beneficiaries sa rehiyon uno, umabot na sa higit 200,000 pamilya

Mahigit 200,000 pamilya ang aktibong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) sa rehiyon uno.

Ito ang kinumpirma ni Iryn Cubangbang, Information Officer ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office One at dagdag nito na konti na lang ang mga mahihirap na pamilya na hindi abot ng programa.

Base sa DSWD 4PS data noong 2009 sa pamamagitan ng listahanan o national household targeting system for poverty reduction ay umabot sa 247,889 poor households ang natukoy sa rehiyon.

Bukod sa 4PS ay mayroon pang ibang poverty reduction program na ipinapatupad ang dswd tulad ng sustainable livelihood program at Bottom-Up Budgeting (Bub) project.

Sinabi ni Cubangbang sa kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum na mayroon pang mga  programang  itinataguyod ang DSWD sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ibang ahensya ng gobyerno.

Speak Your Mind

*