99 percent na stock sa Facebook, ido-donate sa isang charity

Inihayag ng Facebook co-founder Mark Zuckerberg at asawa niyang si Dr. Priscilla Chan na odo-donete nila ang 99 percent ng kanilang stock sa facebook sa charity.

Ito ay kasunod ng pagsilang ng kanilang panganay na anak na babae na pinangalanang Max.

Ayon kay Zuckerberg, ido-donate nila ang kanilang stock na may kabuuang halaga na 45 billion dollars sa Chan Zuckerberg Initiative dahil nais na ang mundo ay maging maayos na lugar para sa paglaki ng kanilang anak.

Sinabi pa ni zuckerberg na bilang magulang, responsibilidad nilang tiyakin na ang mundo ay magiging ‘better place’ para sa anak nilang si Max at sa lahat ng mga bata..

magagamit din aniya ang naturang pondo para sa advancement ng teknolohiya, pagtuklas ng gamot para sa mga sakit na walang lunas, pangangalaga sa kalikasan at iba pa.

Speak Your Mind

*