Al Qaeda, nagbanta ng pagsalakay sa Arabian Peninsula

Nagbabala ang Al Qaeda na magsasagawa nang pag-atake sa Arabian Peninsula sakaling ituloy nang gobiyerno nang Saudi na patayin ang ilang mga preso na nahatulan nang bitay.

Kabilang ang mga miyembro nang Al Qaeda sa mga nakatakdang sentensyahan nang Saudi.

Ayon sa Alqaeda, dadanak ang dugo kapag nangyari ang pagbitay sa kanilang mga kasamahan.

Mahigit sa limampung preso ang nakatakdang bitayin nang Saudi Arabia matapos mahatulang guilty sa kasong terrorist crimes.

Speak Your Mind

*