Anti-tetanus vaccine at ibang medical supplies, inihahanda na ng PHO

Nag-iimbentaryo na ngayon ang mga pampublikong hospital sa Pangasinan ng mga anti-tetanus vaccine at medisina na gagamitin para sa mga naputukan.

Ito ay matapos magbigay ng direktiba si Dr. Anna de Guzman, Provincial Health Officer sa mga namamahala ng ospital.

Tiniyak naman ni de Guzman na maraming anti-tetanus sa Pangasinan.

Marami aniyang inihahanda ang PHO para ang mga nagkasugat dahil sa paputok ay hindi ma-tetanu.

Magugunitang nitong nakaraang araw ay walong katao ang naputukan ng kwitis sa bayan ng Calasiao.

Pinaalalahanan din ng health expert ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak para hindi makalunok ng paputok gaya ng watusi at piccolo dahil ito ay nakakalason.

Speak Your Mind

*