APEC Lanes, gagawing express lanes ngayong holiday season

Pinag-aaralan ngayon nang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na maglagay nang express lanes sa kahabaan nang Edsa.

Ayon kay HPG Director Chief Superintendent Arnold Gunnacao, posibleng gamiting express lane ang linya na ginamit noong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Sinabi ni Gunnacao na ipapatupad din niya sa mga tauhan nang HPG ang shifting schedule kasama nang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang traffic sa mga kalsada nang Metro Manila.

Ang APEC Lanes ay inimplementa sa dalawang innermost lanes nang Edsa mula Shaw Boulevard hanggang Mall of Asia Complex noong Nobyembre a-disisyete hanggang a-beinte.

Bukod dito, naglagay din ang MMDA nang christmas lanes para maging alternatibong ruta nang mga motorista ngayong holiday season mula alas sais nang umaga hanggang alas nueve ng gabi.

Speak Your Mind

*