Atletang Pinoy, nag-uwi ng labing apat na medalya sa Turkey Karate Tournament

Labing apat na medalya kabilang na ang 5 ginto, 1 pilak at 8 tanso ang hinakot ng mga atletang pinoy sa katatapos lamang na karate tournament sa bansang turkey.

Nasungkit ni KZ Santiago ang tatlong medalya sa sa individual under-21 event kata event at bronze medal sa 50kg kumite.

Habang wagi din si National Head Coach Ali Parvinfar ng dalawang gold medals sa kumite masters division one.

Napanalunan naman ni Mae Soriano ang nag-iisang silver medal ng team Philippines sa kumite habang si Michelle Villamayor ay nanalo ng bronze medals sa kata at kumite-68kg division.

Sina Elvin John Vergavera, John Paul Bejar, Eugene Dagohoy, Ram Macaalay, Carmelo Patricio Jr. at Rexor Romaquin ay nanalo din ng bronze sa team male event ng torneo.

Speak Your Mind

*