BFAR, hinihikayat ang mga Novo Ecijano na mag-alaga ng tilapia

Hinihikayat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga Novo Ecijano na mag-alaga ng tilapia hindi lamang bilang konsumo kundi bilang pandagdag na mapagkakakitaan.

Ayon kay Dr. Antonio Morales, Aquaculture Technology and Technical Services Section Head, libreng nagkakaloob ang ahensya ng 1 day seminar sa sinumang nangnanais na mag-alaga ng tilapia.

Ang nasabing seminar ay isinasagawa tuwing araw ng miyerkules kung saan ang bawat partisipante ay libre din nilang pagkakalooban ng mga tilapia fingerlings.

Dagdag pa ni Morales, handa rin ang kanilang tanggapan na magkaloob ng pagtuturong teknikal sa sinumang nais mag-alaga at magparami ng tilapia lalo na sa yaong mga walang background pagdating sa aquaculture.

Speak Your Mind

*