BSP, nagbabala sa posibleng pagkalat ng pekeng pera ngayong holiday season

Pinaigting ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kampanya para bigyang paalala ang mamamayan na mag-ingat sa posibleng paglaganap ng pekeng pera ngayong holiday season.

Ayon kay Anna Liza Catan, Senior Research Specialist ng BSP-Dagupan madaling tignan ang pekeng pera sa tunay kahit walang gagamiting apparatus.

Binigyang diin ni Catan na ang tunay na pera ay magaspang habang ang pekeng pera naman aniya ay madulas dahil commercial paper ang ginagamit.

Para makatiyak na hindi peke ang pera ay haplusin ang republika ng pilipinas, pirma ni President Noynoy Aquino at ng tagapangasiwa ng Bangko Sentral na si Amando Tetangco Jr., pati na rin ang kaliwa at kanang bahagi ng pera ay magaspang dahil naka-emboss ang mga letra.

Maaaring magmulta at managot sa batas ang sinumang gumagamit ng pekeng pera.

Speak Your Mind

*