Comelec, nilinaw ang pagkakasama ng Pangsinan sa mga election-watchlist areas

Hindi na ikinagulat ng Commission on Elections (Comelec)-Pangasinan ang pagkakasali ng probinsya sa Election-Watchlist Areas (EWAS) na inilabas ng PNP Headquarters.

Ayon kay Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor ng Comelec-Pangasinan noong nakaraang eleksyon ay kasali ang Pangasinan sa EWAS.

Paliwanag ni Salas na may sariling batayan ang PNP sa pagdedeklara sa mga lugar na kabilang sa EWAS.

Giit nitong pre-emptive lamang ang ginagawa ng kapulisan dahil ang mandato nila ay mas maganda ang prevention kaysa sa cure.

Aniya, dumedepende naman ang Comelec sa kanilang mga deputy gaya ng PNP kaya anumang ginawa nila sa kapayapaan at kaayusan ang mahalaga ay nalalaman nila ang kanilang basehan.

Speak Your Mind

*