Crawford, kayang talunin si Pacquiao – Timothy Bradley

Kayang talunin ni WBO Junior-Welterweight Champion Terence Crawford ang pinoy boxing superstar na si Manny Pacquiao kung sakaling matuloy ang laban.

Ito ang pananaw ni WBO Welterweight Champion Timothy Bradley kung saan may magandang tiyansa ang kanyang kaibigan na si Crawford na mapatumba si Pacman.

Ayon kay Bradley, posibleng hindi pa rin nakakarekober sa natamong shoulder injury si Pacquiao na nakuha sa training bago ang naging sagupaan kay Floyd Mayweather Jr. noong mayo.

Nabatid na kabilang sina Bradley at Crawford sa mga pinagpipilian ng kampo ni Pacman sa kanyang retirement fight.

Speak Your Mind

*