Daniel Padilla, dedma sa batikos ng netizens sa pag-endoso kay Roxas

DEDMA lang ang Teen King na si Daniel Padilla sa mga natatanggap na pambabatikos mula sa ilang netizens matapos ang kanyang ginawang pag-endorso kay dating DILG Sec. Mar Roxas para sa darating na 2016 presidential elections.

Ayon kay DJ, naiintindihan niya ang magkakaibang reaksiyon ng mga fans nila ni Kathryn Bernardo sa naging desisyon nila na ikampanya si Mar.

Nirerespeto naman daw niya ang paniniwala ng mga kontra sa kanila pero iginiit niyang lahat ng tao may karapatang bumoto kung sino ang gustong iboto.

Nabatid na bukod kay Daniel, binabatikos din si Kathryn ng kanyang mga basher sa social media  at may lumabas pang isyu na tinanggal si Kathryn sa Iglesia Ni Cristo dahil sa kanyang ginawa pero hindi pa rin nagsasalita ang Teen Queen tungkol dito.

Speak Your Mind

*