Palasyo, labas sa desisyon ng Comelec para idisqualify si Sen. Poe

Walang kamay ang Palasyo ng Malakanyang sa naging desisyon ng Commission on Elections para idiskwalipika si Sentor Grace Poe.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda bunsod na rin sa mga lumalabas na balita na dahil ilan sa mga itinalaga ng Pangulong Noynoy Aquino ang nasa second division ng Comelec na siyang nadeklara sa disqualification ni Poe.

Kabilang sa second division ng Comelec na mga appointees ni Pangulong Aquino ay sina Commissioner Sheriff Abas at Commissioner Arthur Lim.

Una nang sinabi ng Palasyo na dapat galangin at sundin na lang ni Poe ang desisyon ng Comelec ngunit karapatan din nitong gamitin lahat ng legal remedies para matuloy ang pagtakbo nito sa 2016 presidential elections.

Speak Your Mind

*