Desisyon ng korte sa kaso ni Pemberton, ipinapaubaya ng Palasyo sa DOJ

Tumanggi ang palasyo na magkomento sa desisyon ng korte kaugnay sa kaso ni US Marine Joseph Scott Pemberton na pangunahing suspek sa pagpaslang sa Filipino transgender na si Jennifer Laude.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang Department of Justice ang siyang magbibigay ng pahayag sa panig ng pamahalaan kaugnay sa naging desisyon ng korte kay Pemberton.

Napatunayang guilty si Pemberton sa pagpatay kay Laude base sa desisyon ng Olongapo Regional Trial Court kung saan ay nahaharap ito sa anim hanggang labindalawang taong pagkakabilanggo.

Una nang sinabi ng palasyo noon na hindi maaapektuhan ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika bunsod na rin sa kahihinatnan ng kaso.

Speak Your Mind

*