Kampanya para labanan ang climate change, iprinisinta ni Dingdong Dantes sa Paris

Magkasama ngayon sina Dingdong Dantes at si Pangulong Benigno Aquino III sa 2015 Climate Conference (COP 21) sa Paris France.

Ipi-prisinta nang aktor sa mga lider mula sa iba’t-ibang panig nang mundo ang kaniyang kampanya na #nowPH na ang layunin ay labanan ang climate change.

Si Dingdong ay kasalukuyang commissioner nang National Youth Commission.

Ayon sa aktor, isusumite niya sa mga world leaders na kabilang sa Climate Vulnerable Forum ang naging a-output at outcome nang naturang programa.

Sinimulan nang aktor ang kaniyang kampanya sa climate change nitong mga nakalipas na buwan.

Sinabi ni Dingdong na mas magiging makabuluhan ang lahat nang kaniyang gagawin dahil meron siyang pangamba sa magiging future nang kaniyang anak.

Kasamang nagtungo ni Dong sa Paris ang kaniyang mga kaibigan na kasama niya sa pagbuo para matupad ang layunin nang #NowPH.

Speak Your Mind

*