Donna Cruz, muling nagbabalik showbiz

Muling nagbabalik-showbiz si Donna Cruz matapos ang mahigit isang dekada simula nang mag-concentrate ito sa kanyang married life sa Cebu.

Matatandaan na nasa peak ng career ni Doona nang iwan niya ang sowbiz dahil mas ginusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging asawa ni Dr. Yong Larrazabal at ina ng tatlo nilang anak.

Samantala, kung ang pinsan niyang sina Sunshine Cruz at Sheryl Cruz ay nagbalik-showbiz nang hiwalayan ang kanilang asawa, nananatili namang happily married sina Donna at Yong.

Ganunpaman, nakahanda naman daw si Donna sa intriga na kesyo hiwalay na sila ni yong dahil sa pagbabalik-showbiz niya.

Nilinaw naman ni Donna na hindi pag-arte ang kanyang binalikan sa showbiz kundi ang kanyang singing career.

Speak Your Mind

*