DPWH, pinaalalahanan ang magsasaka na magbilad gamit ang solar dryer

Huwag ibilad ang palay sa lansangan.

Ito ang muling paalala ng Department of Public Works and Highways (DWPH) sa mga Pangasinense kaugnay ng patuloy na pagsasa-ayos at ginagawang pagpapalapad ng ahensya sa mga pambansang lansangan.

Sinabi ni Bernard Caronongan, Information Officer ng DPWH-Second District Engineering Office na dapat maunawaan ng mga magsasaka na hindi ipinagdaramot sa kanila ang pambansang lansangan.

Dagdag nito na ang tanging hangad lamang ng ahensya ay mailayo sa anumang disgrasya ang mga motorista at maging maayos din ang trapiko.

Payo naman nito sa mga magsasaka na embes na magbilad o magpatuyo ng palay at iba pang produkto sa lansangan ay gumamit na lamang ng solar dryer.

Nakasaad sa section 23 ng presidential decree number 17 na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng alinmang bahagi ng lansangan o kalsada, tulay at road right-of-way upang magbilad ng mga produkto lalo na ang mga palay.

Kasama din sa ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang bagay na maaaring makaharang sa maayos na daloy ng trapiko.

Speak Your Mind

*