DTI, sinimulan na ang imbestigasyon sa mga reklamo sa Montero Sports

Isinasagawa na ngayong araw ng Department of Trade and Industry ang imbestigasyon kaugnay sa insidente ng sudden unintended acceleration ng mga Montero Sport.

Bukod sa car experts na inimbitahan ng DTI upang tumulong sa pagdinig, dumalo din ang ilan sa mga nagrereklmao sa Montero Sport.

Nanumpa ng katapatan bago isinilaysay ng mga nagrereklamo na sina Atty. Richard Alvin Nalupta, Antonio Padua, Atty. Tumaru, Jr Aniso at Mr. Artemio Capangyarihan ang kanilang personal na karanasan sa biglaang pagharurot ng Montero.

Bago ang imbestigasyon ngayong araw, nauna nang naglabas ng pahayag ang Mitsubishi Philippines na wala daw depekto ang Montero na magrersulta sa biglang pagharurot nito

Ayon din sa Mitsubishi, apektado na umano ng iskandalo ang kanilang kumpanya lalo’t bumaba ang benta ng Montero.

Speak Your Mind

*