DTI, tiniyak na may aasahang pagbaba sa presyo ng tinapay ngayong buwan

Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na may aasahang pagbaba sa presyo ng tinapay ngayong buwan.

Inihayag ito ng DTI base na rin sa pagbaba ng presyo ng harina sa bansa bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng trigo sa world market.

Dahil dito, P0.50 hanggang P1 ang inaasahang ibababa sa kada paketeng tinapay partikular na sa Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty.

Giit ng DTI, walang dahilan para hindi ibaba ang presyo ng tinapay at iba pang flour based products tulad ng instant noodles at pasta.

Sinabi pa ng DTI na ito na ang isa sa mga magandang regalong matatanggap ng mga konsyumer lalo’t isa ang tinapay sa mga pangunahing handa ng mga Pilipino tuwing pasko.

Speak Your Mind

*