Duterte, huwaran at responsableng lider – Pastor Quiboloy

Ipinagtanggol ni Pastor Apollo quiboloy, President at CEO ng Sonshine Media Network International ang kaibigang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ngayon ay nahaharap sa ilang kontrobersya.

Ayon kay Pastor Quiboloy, isang huwarang mayor ng Davao si Duterte dahil kapakanan ng mamamayan ang kanyang inaasikaso at hindi pawang publicity.

Kaugnay ng kontrobersyal na pagmumura ni Duterte sa proclamtion speech nito, sinabi ni Pastor Apollo na bagamat may ganoong katangian ang mayor ay marunong naman itong humawak ng responsibilidad at ang mahalaga ay ang magagawa nito para sa bayan.

Naniniwala rin si Pastor Apollo na ang nagawa ni Duterte sa Davao City ay magagawa rin nito sa buong bansa.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, kailangan umano tayong magkaroon ng pangulong makapagbibigay ng direksyon at daan sa minimithi natin sa bansa.

Speak Your Mind

*