Espesyal na programa ng DOLE-Region 1 para sa mga estudyante, tagumpay

Aabot sa 5,490 estudyante sa rehiyon uno ang benepisaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng nabanggit na programa ay nagta-trabaho ang mga estudyante iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pampubliko at pampribadong educational institutions, pribadong kompanya at sa mga lokal na pamahalaan tuwing summer at chirstmas vacation.

Ang SPES Program ay tumutulong sa mga mahihirap ngunit nararapat na mga estudyante na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Sinabi ni Regional Director Grace Ursua na malaking tulong ang spes sa mga estudyante dahil sumasabak na ang mga ito sa aktuwal na trabaho.

Maganda itong karanasan para lumaki ang tiyansa na makuha ng trabaho pagkatapos ng graduation.

Sa ilalim ng SPES ay babalikatin ng DOLE ang 40 percent na sweldo ng mga estudyante habang ang 60 percent naman ay babayaran ng employer.

Mahigit 13 milyong piso ang inilaan ng DOLE para sa SPES Program.

Speak Your Mind

*