Ilang container na naglalaman ng expired frozen meat, nawawala – SINAG

Kinumpirma ni Engr. Rosendo So, pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hinahanap pa rin hanggang sa kasalukuyan ang ilang container na kabilang sa 203 container na naglalaman ng expired frozen meat.

Sinabi ni So sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum na nahanap ang 158 container samantalang ang 11 na nakalabas noong november 6 ay tukoy na ang mga consignee.

Base sa record ng Bureau of Animal Industry (BAI) wala pang pag-apruba nang ilabas ang mga container.

Ang mga container na may lamang tinatayang limang milyong kilo ng expired frozen meat ay kinumpiska ng Bureau of Custom (BOC) dahil sa kakulangan ng sapat na permit.

Nanggaling umano ang mga karne sa Estados Unidos, Canada, Belgium, at iba pang bansa sa Europa.

Ilan sa mga ito ay Enero pa ng taong kasalukuyan dumating sa bansa.

Expired na umano ang ilan sa mga ito bago pa dumating sa bansa.

Paliwanag ni so na kapag sinabing expired meat, ito ay hindi na pwedeng kainin ng tao.

Speak Your Mind

*