Ilang oras na brown-out, nararanasan sa ilang bayan sa Pangasinan sa Sabado

Makakaranas ng lima at kalahating oras na kawalan ng suplay ng kuryente ang Unang Distrito ng Pangasinan sa sabado, Disyembre a-singko.

Base sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nakaiskedyul ang power interruption mula alas syete ng umaga hanggang alas dose y medya ng tanghali.

Ang apektadong distribution facility ay ang buong panelco one franchise area na kinabibilangan ng bayan ng Sual, Mabini, Burgos, Dasol, Infanta, Agno, Bani, Anda, Bolinao at ang lungsod ng Alaminos.

Ang dahilan ng nakatakdang kawalan ng suplay ng kuryente ay ang pagpapalit ng steel poles sa kasalukuyang piling nakatayong poste ng kuryente. Isasabay na rin ang pagsasa-ayos sa linya sa kahabaan ng Labrador-Bani at Sual-Bani.

Sa pareho ring araw ay tig-tatlumpung minuto sa umaga at sa tanghali na walang kuryente sa bayan ng Labrador.

Naka-iskedyul ang power interruption sa nasabing bayan mula alas syete hanggang alas syete y medya ng umaga, at alas dose hanggang alas dose y medya ng tanghali.

Speak Your Mind

*