Insentibo sa mga developer ng renewable energy, iminungkahi

Iminungkahi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa gobyerno na bigyan ng insentibo ang mga developer ng renewable energy para mahikayat silang mamuhunan sa mga lugar na wala pang kuryente at nang matulungan din ang bansa na labanan ang climate change.

Ginawa ni Escudero ang panukala sa gitna ng pangako ng Pilipinas na lumahok sa pandaigdigang pagsisikap na bawasan ang carbon emission sa mundo sa ika-21 Conference Of Parties (COP21) sa UN Framework Convention on Climate Change sa Paris, France.

Pinamumunuan ng Pilipinas ang Climate Vulnerable Forum na kinabibilangan ng 20 bansa na lubhang apektado ng climate change.

Sa pagtaya ng Department Of Energy (DOE), nangangailangan ang Pilipinas ng karagdagang 11,400 megawatts para matustusan ang pangangailangan sa kuryente mula 2016 hanggang 2030.

Ayon kay Escudera ay isa aniya itong pagkakataon para sa mga power producer na mamuhunan sa renewable energy.

Si Escudero ang chairman ng Committee on Environment and Natural Resources sa senado.

Speak Your Mind

*