Isang trilyong dolyar, inilaan para sa planong Conference of Parties

Isang trilyong dolyar ang inilalaan ng International Funding sa isinusulong na makamit nang Conference of Parties (COP21) para matulungan ang may apatnapu’t walong pinakamahiirap na bansa sa pagitan nang taong 2020 hanggang 2023.

Nauna rito, plano nang mga Least Developed Countries (LDC) na magsumite nang bagong kasunduan sa united nations para sa golbal warming na kung saan ay gagastos nang 93 bilyong dolyar kada taon simula 2020.

Kabilang sa mga pinakamahihirap na bansa sa mundo ang Ethiopia, Zambia, Yemen at mga bansa na matatagpuan sa Pacific Island.

Ang naturang mga bansa ang dumaranas nang mas pinalalang epekto nang climate change sa kapaligiran.

Inamin ni International Institute for Environmental and Development (IIED) Director Andrew Norton, na ang nasabing mga bansa ang nakakakuha nang maliit na pondo mula sa international climate funding na ibinibigay nang mga mayayamang gobiyerno mula sa iba’t-ibang bansa.

Speak Your Mind

*