Kampanya kontra droga at loose firearms ng Binmaley PNP, pinaigting

Matagumpay ang pinaigting na kampanya ng Binmaley PNP laban sa mga sangkot sa operasyon ng illegal na droga at sa mga humahawak ng mga hindi lisensyadong baril.

Ikinasa ng kapulisan ang sabay-sabay na operasyon sa tatlong barangay.

Sa inilunsad ng PNP na operasyon sa poblacion laban sa isang hinihinalang drug pusher ay nakuhanan ito ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng sampung libong piso.

Sa barangay calit naman ay isinuko ng inisyuhan ng search warrant at kanyang baril at kaukulang dokumento.

Samantalang sa barangay Sta. Rosa naman ay nakakumpisak ng dalawang pakete ng shabu at isang calibre 38 ang kapulisan.

Sinabi ni Supt. Mona Lisa Asis, hepe ng Binmaley PNP na dire-diretso ang isasagaw nilang kampanya kontra illegal drugs sa pamamagitan ng pagse-serve ng search warrant.

Speak Your Mind

*