Karanasan ng Pilipinas sa Super Bagyong Yolanda, ibinahagi ni PNoy sa COP21

Ibinahagi ni Pangulong Benigno Aquino III sa buong mundo ang naging karanasan ng Pilipinas sa Super Bagyong Yolanda sa ginanap na 21st Conference Of Parties (COP21) sa Paris, France.

Ang pahayag ni Pa¬ngulong Aquino ang isa sa gagamiting dahilan kung bakit kinakaila¬ngang magkasundo ang lider ng iba’t ibang bansa sa mga paraan para malabanan ang global warming.

Isinusulong na hindi dapat lumagpas sa 2.0 degree celsuis ang greenhouse gas emissions habang ang iba ay nagtutulak na gawin itong 1.5 degree celsius upang lubusang malabanan ang global warming.

Ang COP21 ay pinapangasiwaan ng France na siyang Chairman at host mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2015.

Ito ay magsisilbing forum upang magpalitan ng kuro-kuro ang mga bansa at para pag-usapan kung paano maresolba ang climate change sa pamamagitan ng pagbuo ng consensus sa international climate policies.

Speak Your Mind

*