Kiefer Ravena at Jeron Teng, lalaban sa 3×3 All-Star sa Qatar

Pangungunahan nina UAAP Season 78 Mythical team members Kiefer Ravena ng Ateneo De Manila University at Jeron Teng ng De La Salle University ang kampanya ng bansa para sa FIBA 3×3 all-star exhibition game sa Doha, Qatar.

Ito ang pormal na inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP)

Makakasama nina Ravena at Teng sa koponan sina San Beda Import Ola Adeogun at Perpetual Help Reinforcement Bright Akhuetie.

Nakatakdang umalis ang grupo sa Disyembre 8 bago magsimula ang torneo sa Disyembre 11.

Matatandaang tumapos ang tropa nina Calvin Abueva, Karl Dehesa, Vic Manuel at Troy Rosario sa ikaanim na puwesto sa nakaraang 2015 FIBA 3×3 world tour sa Abu Dhabi.

Speak Your Mind

*