Koleksyon sa Sin Tax ngayong taon, tumaas

Tumaas pa ng P19.1 billion ang koleksyon sa sin tax, ayon sa Department of Finance.

Base sa datos ng Department of Finance o DOF simula noong January hanggang October, ang koleksyon mula sa mga buwis sa sigarilyo at alak ay umabot sa P105.5 billion pesos na mas mataas ng 22 percent kumpara sa naiatala noong 2014.

Umabot sa P15.6 billion ang nakolektang excise taxes sa mga produktong tabako at P3.5 billion naman sa mga nakakalasing na inumin.

Umaasa ang DOF na tataas pa ang kanilang koleksyon hanggang sa 2017, kung kailan matatapos ang dagdag sa sinisingil na buwis sa mga bisyo.

Speak Your Mind

*