Litrato ni Baby Z, excited nang makita ng mga fans nina Dingdong at Marian

Excited na ang mga tagahanga ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes para masilayan ang litrato nang kanilang panganay na si Baby Z.

Lalo pang nasabik ang mga fans nang ibunyag ng pinsan ni Dingdong na si Carlo, kung sino ang kahawig ni Maria Letizia.

Ayon kay Carlo, carbon copy si Baby Z  ni Marian at halos kilay lamang aniya ang nakuha nito mula sa amang si Dingdong.

Kaya sa mga fans, kayo na ang bahalang humusga kung ano ang itsura ni Maria Letizia o’ Baby Z.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na picture sina Marian at Dong kung kaya’t nananatiling palaisipan sa publiko kung sino ang kamukha ni Baby Z.

Speak Your Mind

*