Malakanyang, aminado na lumalaki ang problema sa kasong HIV/AIDS sa bansa

Inamin nang malakanyang na lumalala na ang problema sa kaso nang HIV/AIDS sa bansa.

Ayon sa Malakanyang dapat na tutukan ang problemang ito para maresolba ang paglobo nang nabibiktima nang ganitong sakit.

Kasabay nang paggunita ngayong araw nang World Aids Day, iniulat nang Department of Health (DOH) na mas maraming kabataan ngayon ang may HIV/AIDS.

Umaabot sa 646 na bagong kaso nang HIV infections ang naitala nitong buwan nang Pebrero, na siyang pinakamataas na bilang mula noong 1984.

Nangangahulugan na may dalawampu’t isang bagong kaso nang HIV kada araw.

Sa ulat nang DOH, 586 mula sa 646 na kaso nang HIV ay nakuha sa sexual contact.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagpapalaganap ngayon nang information campaign ang DOH para mabigyan nang edukasyon ang mamamayan kaugnay sa nasabing sakit na nakukuha sa unprotected sex.

Speak Your Mind

*