Mga bagay na bawal dalhin sa loob ng LRT, mahigpit na ipinapatupad

Nagpaalala sa publiko ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bagay na nakakapinsala sa loob ng kanilang tren

Ang paalala ay ginawa ng LRTA Management matapos makakumpiska ng iba’t ibang uri ng deadly weapon ang kanilang mga security team mula sa mga pananakay ng LRT line 1 at 2  mula noong nobyembre 23 hanggang 30.

Kabilang sa mga deadly weapon na narekober ay mga swiss knife balisong, cutter, kutsilyo at iba pa.

Iginiit ng LRT-1 na ang pagbabawal ng mga naturang nakapipinsalang bagay sa pagsakay sa mga tren nila ay para rin sa kapakanan ng mga mananakay.

Speak Your Mind

*