Mga fishcages, hindi nakakaapekto sa operasyon ng Sual Power Plant

Iginiit ng namamahala ng Sual Coal-Fired Power Plant na hindi na nakaka-pwerwisyo sa operasyon ng planta ang mga fish cages.

Sinabi ni Greggy Romualdez III,  head ng external affairs ng Team Energy, ang namamahala sa Sual Power Plant na sa ngayon ay lampas isang-daang metro na ang layo ng mga fish cages sa planta.

Magugunitang nagkaroon noon ng problema sa planta dahil sa pagkapit ng dikya sa pasilidad.

Bantay sarado na ngayon ang planta sa pamamagitan ng paglalagay ng net sa paligid at bente kwatro oras naman itong minomonitor.

Ayon kay Romualdez marami pang fishcages sa lugar ngunit malayo na rin sa planta.

Aniya, ang mga fishcages naman ay nakakapag-bigay hanapbuhay sa mga taga-sual at karagdagang inkam naman para sa munisipyo.

Speak Your Mind

*