Mga motorista na dumadaan sa TPLEX, tumaas ng 40 porsyento

Kinumpirma ng namamahala ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) na tumaas ng 40 porsyento ang dumadaan na mga behikulo sa lugar kada araw.

Ang mga motorista ay papunta at palabas ng norte.

Sinabi ni Tony Reyes, Vice President for Marketing ng TPLEX  na talagang inaasahan na rin  nila ang pagtaas ng volume ng mga motorista sa lugar tuwing biyers, sabado at linggo.

Payo ng TPLEX sa mga motorista na siguruhing naka-kondisyon ang sasakyan bago bumiyahe para iwas aksidente.

Speak Your Mind

*