Mga opisyal ng La Trinidad, suportado ang pagsusulong ng koopertaiba

Suportado ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad sa lalawigan ng Benguet para sa pinalakas na promosyon sa pagsusulong ng kooperatiba.

Ayon kay Orlando Pacya, Coop Development Specialist at Municipal Cooperative Development Officer ang La Trinidad lamang ang kaisa-isang bayan sa probinsya na bumuo ng Cooperative Council.

Ang Municipal Development Cooperative Council (MDCC) ay binuo sa pamamagitan ng isang ordinansa na ang may akda ay si Councilor Horacio Ramos Jr., Chaiman ng Sangguniang Bayan Committee on Cooperative, Peoples’ Organizations at non-Government Organizations.

Ang MDCC ay mayroong kabuuang 103 cooperatives na rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) na may mahigit 31,200 miyembro base sa December 2013 na tala.

—-

Kauna-unahang cooperative congress sa La Trinidad, isinagawa

Naganap ang kauna-unahang Cooperative Congress sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet.

Tinalakay sa congress ang mga isyu at mga bagay na may kaugnayan sa sektor ng kooperatiba at ito na rin ang nagsilbing daan para isulong ang kooperatiba.

Ang tema sa aktibidad ay mobilizing cooperatives and local government towards community development.

Ayon kay Orlando Pacya, Coop Development Specialist at Municipal Cooperative Development Officer ng La Trinidad, ang kooperatiba ay lumilikha ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya, trabaho, at nagbibigay ng boses sa mamamayan.

Ang kauna-unahang La Trinidad Cooperative Congress ay idinaos sa pangunguna ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) na kinabibilangan ng Coop Federation at Union sa pakikipagtulungan ng Cooperative Development Authority.

Speak Your Mind

*