Mga punong barangay sa Bugallon, kampeon sa dragon boat race

Nagkampeon ang Association of Barangay Captains sa ginanap na Dragon Boat Race sa bayan ng Bugallon.

Anim ang kalahok sa nasabing patimpalak kabilang na ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jumel Espino, Department of Education, PNP at iba’t ibang grupo.

Ipinakita ng bawat grupo ang kanilang pagkakaisa sa sabay-sabay na pagsagwan at mabilis na pagkilos.

Sinabi ni Police Chief Inspector Dominic Poblete, hepe ng Bugallon na bahagi na rin ito ng physical, emotional at spiritual stress management activities ng kapulisan.

Ang Dragon Boat Race ay taunang isinagawa sa bayan ng Bugallon kaugnay ng kapistahan bilang pagpapakita sa mamamayan ng malinis na kailogan.

Speak Your Mind

*