Mitsubishi Motors, iginiit na walang depekto ang kanilang Montero Sports

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Mitsubishi Motors Philippines sa gitna ng sunod-sunod na reklamo patungkol sa biglaang pagharurot o sudden unintended accelaration ng Montero Sports.

Ayon sa Mitsubishi Motors, walang basehan ang paratang na depektibo at hindi ligtas ang Montero Sports.

Sa isinagawang pagsusuri at imbestigasyon katuwang ang Mitsubishi Corporations of Japan ay wala umanong nakikitang depekto at malfunctions na magreresulta sa biglang pagharurot ng sasakyan.

Ipinagdiinan pa ng Mitsubishi na ang paggana ng Montero Sport ay nakadepende umano sa nagmamaneho nito.

Samantalang nauna nang nagpahayag si Trade Undersecretary Victorio Dimagiba na magsasagawa ang DTI ng imbestigasyon tungkol sa nasabing insidenteng kinasasangkutan ng mitsubishi motors.

Nananawagan din ang DTI sa publiko na huwag munang bumili ng Montero Sport habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Nakatakdang ilabas ng DTI ang resulta ng kanilang isinasagawang imbestigasyon bago magpasko.

Speak Your Mind

*