Nabubulok na bigas na nahukay sa Leyte, para sana sa mga biktima nang bagyong Ruby

Aprubado nang Office of the Regional Director nang Department of Social Welfare and Development ang ginawang paghuhukay sa open pit sa barangay Macaalang, Dagamit Leyte, kung saan nakabaon ang mga nabubulok na sako-sakong bigas.

Ito ang paglilinaw ni Regional Director Nestor Ramos nang DSWD Regional Office 8.

Ayon kay Ramos, ang nasabing pit ay para lang sana sa mga dokumentong nabasa at nabubulok dahil na rin sa sunod-sunod na paghagupit nang bagyo sa rehiyon noong taong 2013 at 2014.

Tinukoy dito ni Ramos ang mga bagyong Ruby at Yolanda.

Nilinaw ni Ramos na walang koordinasyon sa kaniya ang ginawang pagsabay sa pagbaon sa mga nasirang bigas na para sana sa mga biktima nang bagyong Ruby na humagupit sa sama noong Disyembre 2014.

Mula sa 56,254 na sako nang bigas mula sa Cebu na dumating sa Leyte noong Disyembre, mahigit sa isandaang sako nito ang nasira na.

Makaraan na mabulgar ang nakabaong bigas sa nasabing barangay ay bigla itong nawala sa pit na walang koordinasyon sa Regional Director.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang DSWD kung bakit kinuha ang mga bigas sa pinagbaunan nito nais malaman nang kagawaran kung saan ito napunta.

Speak Your Mind

*