Oplan Yuletide Season, ikinasa na ng mga kapulisan sa Pangasinan

Ikinasa na ng Pangasinan Police Provincial Office o PPO ang “Oplan Yuletide Season” sa kahapon, unang araw ng Disyembre.

Ayon kay Police Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Public Information Officer ng PPO kabilang sa lugar na babantayan ng kapulisan ay ang mga terminal ng sasakyan, mga daan papuntang pook pasyalan at bakasyunan, at sa karagatan.

Bukod sa mga nabanggit ay babantayan rin ang mga matataong lugar lalo na ang mga bayan at siyudad na nagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Tututukan ng kapulisan ang mga petty crimes dahil posibleng tumaas ang insidente ngayong buwan.

Dagdag ni de Asis na mayroong mga security marshals na magbabantay naman sa mga pampublikong lugar.

Speak Your Mind

*