Pagdami ng kaso ng rape sa Bicol Region, ikinaalarma na

Ikinabaha ng mga otoridad ang pagdami ng kaso ng panggagahasa sa Bicol Region sa loob lamang ng sampung buwan.

Sa kabila kasi ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang index crimes, simula Enero hanggang Oktobre ay umabot na sa 22 percent ng bilang ay binubuo na ng mga kaso ng rape mula sa dating 14 percent.

Naniniwala naman si Police Regional Director Chief Supt. Augusto Marquez na ang laganap na pag-inom ng alak, paggamit ng droga at kahirapan sa rehiyon sa mga posibleng rason ng pagdami ng kaso ng panggagahasa.

Base naman sa mga datos, aniya ang mga naitalang kaso ng rape sa kanila ay kadalasang inihain matagal na panahon na matapos ang mismong insidente, at hindi aniya ito mga walk-in victims.

Speak Your Mind

*