Pagka-diskwalipika ni Sen. Poe sa pampanguluhang elekyon, may bahid politika

Nagpahayag nang pagkalungkot si Senador Grace Poe sa naging desisyon nang Comelec Second Division na i-diskwalipika ang kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo sa darating na 2016 elections.

Ayon kay Poe, hindi dito natatapos ang proseso para patunayan ang kaniyang citizenship at residency isyu sa bansa.

Sinabi ni Poe na patuloy niyang ipaglalaban ang karapatan nang mga batang pulot at ang karapatan nang mamamayan na pumili nang kanilang magiging pinuno.

Iginigiit ni Poe na siya ay natural-born Filipino at may sapat na bilang nang taon nang pananatili sa bansa.

Naniniwala si Poe na may bahid politika ang pagkaka-diskwalipika niya sa pampanguluhang eleksyon.

Kabilang sa bumubuo sa second division nang Comelec na bumoto pabor sa diskwalipkasyon ni Poe sina Commissioners Al Pareno, Arthur Lim, at Sheriff Abas.

Umaasa pa din ang senadora na sa bandang huli ay papanig sa interes nang mamamayan ang Comelec En Banc.

Speak Your Mind

*