Pagkakadetine ni Pemberton sa Kampo Aguinaldo, iaapela

I-aapela ng kampo ng pamilya ng pinaslang na transgender na si Jeffrey alyas Jennifer Laude ang pagkakadetine ng suspek na si U.S Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa kampo Aguinaldo.

Ayon kay Attorney Harry Roque, abogado ng pamilya Laude, malinaw sa utos ng korte na pagkatapos ang pagbasa ng sakdal kahapon kay Pemberton ay dapat na idiretso ito sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, City.

Pero tumanggi ang Amerika na i-turn over ito, kaya naman ayon kay Roque, posibleng sampahan nila ng kasong contempt ang mga miyembro ng kapulisan.

Samantala, nilinaw naman ng isa rin sa mga abogado ng mga Laude na si Attorney Virgie Suarez na hindi maaaring makapagpiyansa si Pemberton.

Gayunman, nilinaw ni Attorney Roque na posibleng mapaikli ang sentensya ni Pemberton kung maging mabait ito habang naka-detine.

Speak Your Mind

*