Pagpatay sa dating kagawad sa Urbiztondo, posibleng dahil sa anti-illegal drugs campaign

Kampanya kontra droga ang isa sa tinitignang posibleng motibo sa pamamaril sa dating barangay kagawad at asawa nito na incumbent barangay kagawad sa Barangay Gueteb sa bayan ng Urbiztondo.

Patay ang dating barangay kagawad na si Violeto Quitaleg dahil sa tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nasa ospital naman ang kanyang asawa na si Lorna Quitaleg dahil nabaril rin ito.

Sa imbestigasyon nakasalubong ng mag-asawa ang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Aktibo umano ang mag-asawa sa pagtestigo at pagsama sa kinauukulan sa paghahain ng search warrants at operasyon kontra droga sa lugar.

Speak Your Mind

*