Pangasinan PNP, hindi ikinagulat ang pagkakabilang ng lalawigan sa Election-Watchlist Areas

Hindi na ikinabigla ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Plice Offie (PPO) sa pagkakasama ng lalawigan sa Election-Watchlist Areas (EWAS) na inilabas ng PNP Headquarters para sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

Kabilang sa mga naging basehan sa pagdedeklara ng EWAS ay ang pagkakaroon ng mainit na labanan ng magkakatunggaling kandidato at pagkakaroon ng private armed group sa lugar.

Ayon kay Police Senior Supt. Rolie Saltat, OIC ng PPO walang dapat ikabahala ang mga pangasinenses dahil mas pabor pa ito sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng pagkakasali ng pangasinan sa ewas ay madadagdagan ang pwersa mula sa iba pang Law Enforcement Agencies at Armed Forces of the Phillipines (AFP) na magbabantay ng seguridad sa lalawigan sa May 2016 election.

Bukod sa Pangasinan ay kasama rin sa EWAS ang Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao at Lanao Del Sur.

Speak Your Mind

*